Conflicts in the Family
Essay by people • September 23, 2011 • Essay • 451 Words (2 Pages) • 2,071 Views
SINGAPURA
Kung mayroon isang lugar na masasabi kong pinakamaganda kong napuntahan ito ay ang bansang Singapore. Matatagpuan mula sa Timog-Silangang Asya, ang Singapore ay masasabing isa sa pinaka malinis na lugar sa buong mundo. Anu-ano kaya ang mga dahilan kung bakit masasabi kong ito para sa akin ang lugar na sobra akong napahanga.
Narating ko ang isla ng Singapore noong isang pagkakataong umuwi ang aking ama mula sa Saudi at gusting magbakasyon. 2 beses lamang sa isang taon umuuwi ang aking ama dito sa Pilipinas kaya naman tuwing siya'y uuwi at magkakaron ng oras na magbakasyon, siniguro niyang kami'y pupunta sa isang lugar na maaari kaming magkwentuhan, mag-relaks, magsaya, at mag-bonding.
Noong nakaraang taon, napagpasiyahan naming magtungo sa SG. Base sa aking naging karanasan na pamamalagi roon ng ilang araw, para rin siyang Pilipinas, iyon nga lang ay doon walang polusyon at mapapansin mong may disiplina ang mga mamamayan. Ibang-iba ang aking pakiramdam na hindi ko maipaliwanag habang tumatawid sa mga kalsada at naglalakad sa mga tulay ng SG. Kahit saang sulok ka tumingin, wala kang makikitang kahit anong bahid ng dumi o kalat. Tunay nga namang wala ka sa Pilipinas na kabundok ang mga basura.
Ang Singapore rin ay kilala sa pagkakaroon ng maraming magandang tanawin at pook pasyalan. Sikat doon ang Sentosa at Universal Studios kung saan maihahambing mo ito sa ating Enchanted Kingdom. Maraming rides, mga mascot, na talagang ma-eenjoy ng kahit na sino lalung lalo na ng mga bata.
Sikat rin ang Singapore sa pagkakaroon ng murang mga gadgets. Halos 10-20 libong piso ang ikinamura ng mga electronic gadgets doon. Marami ring masasarap at kakaibang mga putahe ang SG. Karamihan sa kanilang kultura ay hango at may impluwensiya sa mga Intsik. Sikat na sikat doon ang Pecking Duck na kung saan halos lahat ng sulok ng kalsada ay may matatagpuan ka.
Napadpad din ako sa Bugis Street kung saan umaapaw ang mga murang paninda at mga pasalubong. Ito ay isang pinaliit at pinalamig na divisoria. Bagsak presyo ang lahat ng mga paninda yoon nga lang sa SG, ay hindi uso ang pagtawad. Ito ang pinaka gusto ko sa lahat dahil mahilig akong mamili ng kung anu-ano. Kung pupunta ka ng Singapore hindi maaaring hindi ka dumaan dito.
Lahat-lahat, ang aming pagtungo sa SG, ay sobrang sulit at hindi malilimutan. Ang lugar na ito'y punung-puno ng magagandang tanawin at masasayang gawain. Tunay na magiging espesyal para sa akin ang lugar na ito dahil kasama ko ang aking pamilya at doon, marami akong mga realisasyon at mga natutunan. Umaasa akong isang araw ay babalik ako sa lugar na ito. Daig ko pa ang nanalo sa Lotto o sa Ms, Universe kung ako ay mabibigyan ng pagkakataong bumalik dito at magbakasyong muli.
...
...