OtherPapers.com - Other Term Papers and Free Essays
Search

Hospitality Industry

Essay by   •  March 19, 2016  •  Term Paper  •  1,794 Words (8 Pages)  •  1,347 Views

Essay Preview: Hospitality Industry

Report this essay
Page 1 of 8

                        Ang Buhay ay Tulad ng Dula sa Ibabaw ng Entablado

        Sa isang dula ay may isang kwento, may mga gumaganap na karakter na may bida, kontrabida at mga ekstra o saling pusa kung tawagin, at may tao na gumawa ng produkyon na binubuo ng prodyuser, props men, direktor, editor, at iba pa na nagtulung-tulungan upang gawing maganda ang kakalabasan ng dula na tulad sa totoong buhay.  Ang buhay ay puno ng kwento kung saan ang mga istorya rito ay parehas ng isang kwento sa dula sa ibabaw ng entablado na may iba’t ibang nilalaman na ipinaparating sa iba-ibang emosyon at taktika ng mga karakter na makakaantig sa ating puso. Ang nilalaman nito ay may iba’t ibang karanasan na nagbibigay ng mga munting aral sa mga manonood at minsan din ay sa mga taong nagdudula nito Tulad ng sa buhay ng tao, ang dula ay mahirap ding buuin sapagkat marami pang bagay na kailangang alamin at ayusin upang malaman kung paano papadaluyin ang kwento na tumutugma sa mga katangian ng karakter at sa mga tagpo sa kwento.

        Simula palang ng kwento ng buhay nating mga tao ay kailangan na nating alamin kung paano tayo mabubuhay at paano natin magagampanan ang ating mga karakter bilang tao tulad ng sa dula kung saan may mga iba’t ibang karakter na sumasalamin sa katangian ng isang tao sa totoong buhay na nais ipahiwatig sa daloy ng kwento. Minsan ito ay nagsisimula ng malungkot pero kadalasan naman ay nagsisimula ito ng napakasaya kung saan ay kasama mo lahat ang mga taong mahahalaga sayo. Sa kalagitnaan ng kwento ng isang dula, dumarating na ang mga pagsubok at problema na sumusubok sa katatagan at katapangan ng bida. Ang buhay ay puno ng pagsubok at hadlang na ibinibigay sa atin ng May Kapal upang subukin ang ating pananampalataya at paniniwala sa Kanya habang nasa isang sitwasyon na hindi na natin alam kung paano malalagpasan at malulusutan, kagaya rin sa isang dula na may mga tao at bagay din na humahadlang sa mga hangarin ng bida tulad ng mga kontrabida na may ginagawang mga bagay-bagay upang pigilan ang ninanais mangyari nito upang mapabuti ang kanyang buhay ngunit sa tulong din ng mga ekstra, ang mga planong ito ng kontrabida ay napipigilan at nalalagpasan ng bida. Sa paglapit ng katapusan ay mas nararamdaman ng bida ang bigat ng responsibilidad niya bilang pinakamahalagang karakter sa kwento, mas dumarami ang pagsubok at mas lumalapit ang pinakahihintay na katapusan ng kwento. Hindi man tugma sa katapusan ng mga dula ang katapusan ng buhay ng tao ay nagkakatugma naman ito sa emosyon na nararamdaman ng mga karakter sa dula at sa buhay ng tao. Masakit man na matapos ang kwento sa mundong ito ay kailangan pa rin nating tanggapin na ang buhay ay hiram lang at may tinatakda talagang katapusan na kung hindi man masaya at perpekto kagaya ng sa dula ay kailangan pa rin nating magpasalamat sa Panginoon dahil kahit sa maigsing panahon ay binigyan Niya tayo ng pagkakataon na maranasang mabuhay sa mundong ito at makasama ang mga taong nagbigay sa atin nang dahilan upang mabuhay at lumisan ng may dala-dalang mga masasayang ala-ala na inipon natin sa mga panahong magkakasama.

Isang buhay na ibinigay ng Poong Maykapal na dapat nating mahalin at pahalagahan sa kabila nang mga pagsubok at hadlang ay kailangan nating ipaglaban upang magkaroon ng masayang pamumuhay na kahit hindi man perpekto ay ang mahalaga ay kasama ang mga taong mahalaga sa ating buhay. Lagi nating isipin na simula sa umpisa hanggang sa katapusan ang buhay ng tao ay laging may pagsubok at ito ay hinding-hindi natin maiiwasan kaya kumapit lang tayo sa Panginoon upang ito ay malagpasan at magkaroon ng isang masayang pamumuhay na tulad ng sa isang dula na minsan ang katapusan ay masaya. . Ang isang dula ay kahit na maigsi lamang ang kwento ay puno naman ng magagandang tagpo at memorableng pagkakataon na nagbibigay ng liwanag sa buhay ng bida at sa iba pang mga karakter nito tulad sa buhay ng tao na kahit hindi natin alam kung kailan matatapos ay may mga magagandang karanasan at mga memorya rin dito na hindi mo makakalimutan dahil maliban sa tumatak na ito sa iyong puso ay kinapulutan mo rin ng aral. Sa kabila nang lahat ng ito, lagi nating isipin na hindi pangmatagalan ang ating buhay na hindi gaya sa dula na kung saan ay hawak nila ang kanilang oras at alam nila kung kailan ito matatapos, ngunit huwag nating kalimutang pasalamatan ang Panginoong nagbigay buhay sa atin dahil sa buong buhay natin ay hindi Niya tayo pinabayaan maging sa hirap man at sa ginhawa.

Pagbabalik ng Parusang Kamatayan

        Sa panahon natin ngayon ay kapansin pansin naman na patuloy na lumalaganap at tumataas ang bilang ng krimen sa bawat lugar sa ating bansa mapaliit man o mapalaki, maparural man o mapaurban at mahirap man o mayaman. Marami ang nabibiktima ng holdap, kidnapping, carnapping, snatching at iba pang uri ng pagnanakaw at pananamantala na minsan pa nga ay nauuwi sa walang habas na pagpatay. Marami ring nalululong sa masamang bisyo tulad ng alak at ipinagbabawal na gamot na nagiging sanhi ng paggawa ng krimen ng mga tao sa paligid ngayon sa kadahilanang wala na silang pangtustos sa minamahal nilang mga bisyo at hindi na para sa kanilang pamilya. Sapat na ba ang mga pangyayaring ito sa atin kapaligiran upang muling ibalik ang parusang kamatayan ngayon? Ito na ba ang magbibigay ng hinihintay na pagbabago nating mga Pilipino sa ating bansa sa panahon ngayon?

        Isang solusyon para sa napakalaking pagbabago sa sistema ng ating bansa. Dalawang salita na madaling bigkasin ngunit mahirap tuparin. Isang batas na magiging solusyon sa problema nating mga Pilipino na hindi magawan gawan ng paraan ng ating gobyerno upang malutas at mapigilan. Ang parusang kamatayan ay isang paraan na makakapagpabago sa ating buhay lalong lalo na sa pagpapalaganap ng kaayusan at katahimikan sa ating bansa na kahit hindi man makatao ay kailangan nating ipasa at ipaglaban upang mapigilan ang paglaganap ng kasamaan sa kahit saan mang lugar sa ating bansa.  Noong mga panahon na ginagawa pa ito ay ligtas at walang takot kang makakapaglakad sa bawat kalye ng Pilipinas mapa-umaga man o mapagabi dahil walang taong magtatangkang gawan ka ng masama dahil nga takot sila sa parusang kanilang kakaharapin, hindi tulad ngayon, mapalingat ka lamang ay may mga bagay na maaring mawala sa iyo o di kaya ay maglakad ka lang ng mag-isa sa kalye na kahit na sobrang maliwanag at may mga cctv cameras na ay may mga tao pa ring mananamantala sa iyo dahil nga alam nilang mababa lang ang parusang kanilang matatanggap.Ngayong mga nagdaang taon ay mas dumarami ang ginagamit na kabataan upang makagawa ng krimen dahil nga sa hindi sila makukulong at makakalabas din ng DSWD sa anumang oras na mapawalang bisa ang kanilang kaso. Sa panahon din ngayon kaya ilap na ilap ang hustisya para sa mga biktima ng krimen ay dahil sa nabibili ng salapi ang mga taong humahawak ng kaso at may kakayahan silang ilihis ang kwento dahil nga sa pabuyang kanilang tinanggap mula sa mga akusado at nang dahil din dito ay lumalakas uli ang loob ng mga akusado na gumawa uli ng krimen sapagkat alam nilang makakalabas din sila kaagad at mananalo sila sa kanilang kaso. Gantong buhay at hustisya ba ang ninanais nating mangyari sa bawat henerasyon na darating sa ating bansa? Hahayaan pa ba nating maabutan ng mga musmos pa lamang at nang susunod pang henerasyon ang ganitong sistema? Dapat hindi, umaapak man ng karapatan ng bawat taong nagkasala ang pagbabalik ng parusang ito ay kailangan pa rin itong ibalik dahil alam naman nating lahat na may magandang maidudulot ito sa pangkalahatan na maliban sa mababawasan ang bilang ng kriminalidad sa ating bansa ay mas magkakaroon pa ng kaayusan at katahimikan sa ating bansa. Sa kabilang banda ay may mga hindi pa rin sumasang-ayon sa pagpapabalik ng batas na ito tulad ng simbahan dahil lumalabag ito sa karapatang pantao at sa nilalaman ng bibliya ngunit may mga tao ring sumasang-ayon dito na galing sa mataas na posisyon sa ating pamahalaan dahil nga sa pare-parehas nating hinahangad na pagbabago sa ating saligang batas. Sa aking palagay, hindi nga ito ang nakabubuting solusyon upang mabawasan ang kriminalidad sa ating bansa kundi dapat ay mas lalong higpitan pa ang mga ipapataw na parusa sa mga taong nagkakasala upang mas lalo silang matakot nang hindi gumagamit ng dahas ngunit sa kabilang banda ay may pangamba rin ako na baka hindi rin mamanipula ng mabuti ang batas na ito sa ating bansa dahil sa mga bagay na maaaring gawin ngayon upang makaligtas sila sa kanilang mga kasalanan at sa kawalanan na rin ng disiplina at moral ng iba nating kababayan kaya lumalamang pa rin ang aking paninindigan na dapat itong ipasa.

...

...

Download as:   txt (10.3 Kb)   pdf (136.8 Kb)   docx (12.1 Kb)  
Continue for 7 more pages »
Only available on OtherPapers.com