Questions
Essay by Charisse Sarroca • February 27, 2016 • Study Guide • 1,538 Words (7 Pages) • 1,509 Views
MGA TANYAG NA PILIPINO
SA IBAT-IBANG LARANGAN
(PROYEKTO SA HEKASI)
CARYLLE S. SARROCA
V- EINSTEIN
GNG. VANESSA PARAGUYA
- PANITIKAN
[pic 1]
AMADO B . HERNANDEZ
Si Amado Vera Hernández ay isang makata at manunulat sa wikang Tagalog.Kilala rin siya bilang “Manunulat ng mga Manggagawa” sapagkat isa siya sa mga pinuno ng mga Pilipinong manggagawa. Ipinanganak noong Setyembre 13, 1903 sa Hagonoy Bulacan. Ang kanyang asawa ay si Honorama “Atang “ de la Rama. Ilan sa kanyang mga likha ay Isang Dipang Langit , Bayang Malaya, Luha ng Buwaya, Mga Ibong Mandaragit at iba pa. Siya ay ginawarang Pambansang Alagad ng Sining sa Pilipinas noong 1973. Siya ay namatay noong Marso 24,1970 sa Maynila.
- PAGPIPINTA
[pic 2]
CARLOS “BOTONG” FRANCISCO
Ipinanganak noong Nobyembre 4, 1912 sa Angono Rizal. Ang kanyang mga magulang ay sina Felipe Francisco at Maria Villaluz. Ilang sa kanyang mga likha ay ang Blood Compact, First Mass at Limasawa, The Martyrdom of Rizal, Bayanihan sa Bukid at Sandugo.Siya rin ang may likha ng Filipino Struggle na matatagpuan sa Manila City Hall. Siya ay namatay noong Marso 31, 1969 sa edad na 56 dahil sa sakit na tuberculosis.
- ISKULTURA
[pic 3]
NAPOLEON ABUEVA
Ipinanganak sa Tagbilaran, Bohol noong Enero 26, 1930. Ang kanyang mga magulang ay sina Teodoro Abueva at Purificacion Veloso. Siya ay nag-aral sa Pamantasan ng Pilipinas, Akademya ng Sining ng Cranbrook , Pamantasan Kansas at Pamantasang Harvard. Itinuring siyang “Ama ng Makabagong Iskultura ng Pilipinas”. Siya ay ginawaran ng parangal bilang Pambansang Alagad ng Sining sa larangan ng Sining Biswal sa edad na 46. Isa sa sa kanyang mga likha ay ang bantayog ni Andres Bonifacio na matatagpuan sa Kalookan.
D. MUSIKA
[pic 4]
NICANOR ABELARDO
Ipinanganak noong Pebrero 7, 1893 sa San Miguel, Bulacan. Ang kanyang mga magulang ay sina Placida Sta. Ana at Valentin Abelardo. Si Nicanor Abelardo ay isang Pilipinong kompositor ng mga awitin sa pelikula o entablado. Nilikha niya ang mga awitin na kung tawagin ay kundiman tulad ng Ang Aking Bayan, Himutok, Pahimakas, Nasaan ka, Irog , Kundiman ng Luha, Mutya ng Pasig at marami pang iba., Ang "Bituing Marikit".ang kauna-unahang pelikula ng Sampaguita Pictures kung saan pinagsamasi Rogelio dela Rosa at ang tinaguriang Singing Sweetheart of the Philippines na si Elsa Oria ay hango sa likhang awit Kundiman na ito ni Abelardo.Si Abelardo ay namatay noong 1934 sa edad na 41 at nag-naiwan ng mahigit 140 na nilikha.
- ARKITEKTURA
[pic 5]
JUAN NAKPIL
Si Juan Nakpil ay ang unang Pilipino na nakasama sa American Institute of Architects.Ipinanganak siya noong 26 Mayo 1899 sa Quiapo, Maynila at supling nina Julio Nakpil at Gregoria de Jesus Nagtapos siya sa Manila High School noong 1917 at kumuha ng pagka-inhinyero sa Unibersidad ng Pilipinas. Pumasok din siya sa University of Kansas noong 1922 at kumuha ng kursong Arkitektura sa Fountainbleau School of Fine Arts. Nakamit niya ang kanyang M.D. sa Harvard University . Ilan sa kanyang mga idinisenyong istraktura ang gusali ng Quezon Institute, Social Secutiry System at UP Administration building at library. Binawian siya ng buhay noong 7 Mayo 1986 sa gulang na 87. Siya ay tumanggap ng parangal mula kay Pangulong Magsaysay at naging Pambansang Alagad ng Sining sa Arkitektura noong 1973.
...
...