OtherPapers.com - Other Term Papers and Free Essays
Search

Rizal: The Subversive

Essay by   •  October 3, 2011  •  Essay  •  662 Words (3 Pages)  •  2,425 Views

Essay Preview: Rizal: The Subversive

1 rating(s)
Report this essay
Page 1 of 3

Rizal: The "subversive"

Jose Ma. Sison

"Madali tayong napagharian ng kolonyalistang Espanyol dahil sa kawalan ng pambansang kamulatan, ayon kay Dr. Jose Rizal. Una, umiiral ang pagkamakasarili ng lumang katutubong naghaharing uri, ang mga raha at datu, at ang kanilang mapagkompromisong aktitude sa mga dayuhang mananakop...Ikalawa, kailangan pang pataasin ng mga mamamayan mismo ang kanilang kolektibong kamulatan mula sa antas at balangkas ng pag-iisip na nalinang sa mga baranggay...Ikatlo, marahas na sinupil ang lahat ng indio sa pamamagitan ng espada ng mga kongkistador at sa pamamagitan ng mapanghikayat na paraan ng nagkukunwaring mapagpakumbaba at mabait na mga misyonero" --Jose Maria Sison, Makibaka para sa pambansang demokrasya.

Sa sanaysay na ito binigyan diin ni Prof. Jose Maria Sison, isa sa mga nanguna sa muling pagkakatatag ng Partido Komunista ng Pilipinas-Marxismo,Leninismo at Maoismo (PKP-MLM) at kasalukuyang pangunahing tagapayo ng Pambansa Demokratikong Prente ng Pilipinas(NDFP), ang dalawa sa mga mahahalagang yugto ng buhay ni Rizal. Una niyang binigyan ng pagpapaliwag ang intelektuwal na pag-unlad ni Rizal at pangalawa, ang mga aktibidad ni Rizal na nagtulak para bansagan siya ng Pamahalaang Espnyol, noong panahon niya, na Filibustero o "subersibo", sa terminong ginamit ni Prof. Sison, dahil sa mga sinulat niyang akda tulad ng Noli Me Tangere, El Filibusterismo, The Indolence of the Filipinos , at iba pa.

Si Dr Jose Rizal ang pinaka-abante sa mga nabibilang sa panggitnang saray ng lipunan noong panahong iyon. Sa proseso ng pag-unlad ng mangilan-ngilang prinsipalya sa pilipinas, nabigyan ng pag-kakataon ang iilang mga may-kaya para makapag-aral, samantalang malaking bayagi ng mamamayang pilipino, na karamihan ay salat sa pera at estado sa lipunan, ang napagkakaitan ng ganitong prebilihiyo at iniaabuso pa ng pamahalaan. Pinaunlad ng Espanya ang kanyang estado sa daigdig sa pamamagitan ng pagsasamantala sa mga mamamayan ng kanyang kolonya na nagtutulak naman sa mga pinagsasamantalahan na mag-aklas at lumaban sa kanila. Kung susuriing mabuti ang kasalukuyang sitwasyon, makatwiran ang paghahalintulad ni prof. Sison sa pagsasamantalang ginagawa ng Imperyalistang US sa mga mahihirap na bansa at ang pagsupil nito sa mga naghahangad ng pambansang demokrasya at sosyalismo sa panunupil na ginawa ng kolonyalistang espanya noon.

Bilang isa sa mga naliliwanagang bahagi ng panggitnag-uri, madaling natutunan ni Rizal ang liberal ng pag- iisip na nagpaunlad ng kanyang nasyonalismo. Para kay Rizal, mararamdaman lamang ng isang individwal ang kanyang kalayaan kung ang kabuuan ng bansa lalo na ang masa ay malaya na rin. At kung hindi ito kayang tugunan ng Espanya ay dapat lamang na humiwalay na dito ang Pilipinas. Sa ganitong ideya binansagan si Rizal na Filibustero. Katulad din niya, ang

...

...

Download as:   txt (4.4 Kb)   pdf (69.8 Kb)   docx (10.2 Kb)  
Continue for 2 more pages »
Only available on OtherPapers.com