OtherPapers.com - Other Term Papers and Free Essays
Search

Sports

Essay by   •  March 5, 2016  •  Coursework  •  874 Words (4 Pages)  •  1,320 Views

Essay Preview: Sports

Report this essay
Page 1 of 4

Kampeonato sa NBA, nasungkit ng Miami Heat, 95-88

By: R. Obina | 2013-Jun-21 - Friday | 02:51:00 PM

 

Matagumpay na nasungkit ng Miami Heat ang kampeonato sa do or die Game 7 ng NBA Finals habang umuwi namang luhaan ang San Antonio Spurs sa iskor na 95-88.

 

Pero bago ang matamis na tagumpay, maraming beses na nagtabla ang iskor simula pa lamang ng 1st quarter hanggang 4th quarter, senyales ng gitgitang laban.

 

Patunay na kapwa koponan ay desisdidong maibulsa ang torneo.

 

Ngunit sa Mga nalalabing segundo ng laban, napako sa 88 ang iskor ng spurs magmula nang magmintis ang 3 point shot ni Manu Ginobili.

 

Matapos nito ay di na muling nakabangon pa ang koponan ng San Antonio at tuluyan nang napasakamay ng Heat ang kampeonato.

 

Samantala, tinanghal namang most valuable player ng serye si Heat superstar LeBron James na nakapagtala ng tatlumput pitong puntos sa Game 7 ng finals.

San Mig Coffee nasungkit ang titulo sa 2013 PBA Governors’ Cup, 87-77

[pic 1]

[pic 2]

[pic 3]

Written by Liz Navera, Bicol Pulse   

SATURDAY, 26 OCTOBER 2013 11:25

Share

[pic 4]

Nasungkit ng San Mig Coffee ang titulo sa 2013 PBA Governors’ Cup kagabi, October 25, matapos patumbahin ang Petron Blaze sa isang magiting na laban sa Game 7, 87-77, na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

Nagpakita sila ng malakas na pagatake habang hinarap ang isa na namang winner-take-all match. Nakamit ng Mixers ang tagumpay para sa ika-sampu nilang kampeonato sa PBA,matapos tugisin ang kapantay nila sa galing, na Boosters, nang dalawang ulit sa full-length finals ng series.

Isa itong makasaysayang sandali para kay San Mig Coffee head coach Tim Cone, na napantayan na ang record ng legendary mentor na si Baby Dalupan, na mayroong 15 titulo sa liga.

 “I’m just incredibly humbled. He’s my idol,” tugon ni head coach Tim Cone sa pagpantay niya kay Dalupan, ilang sandali lamang matapos makamit ang panalo. “Our guys really worked hard for this.”

Wala sa dalawang koponan ang gustong magpalamang sa unang tatlong quarters ng laro. Itinulak lamang ng Mixers ang kalamangan sa iskor na 74-65 nang mayroon na lamang natitirang 8:50 sa fourth quarter.

Kahit nagkaganoon, kinailangan pa rin dumepende ng Mixers sa matindi nilang depensa sa huling 7 minuto para mapatid ang Petron, na napahamak dahil sa mahinang pagitan at masiyadong pagsentro ang opensa kay Elijah Millsap sa huling bahagi ng laro.

Nangibabaw naman si Marc Pingris, para sa Mixers, sa kanilang pinakamalaking laro at nagtala ng 19 points, 17 rebounds, 3 assists, 4 na steals at 1 block. Nakamit niya ito sa gitna ng matinding agawan sa bola at dahil na rin sa walang huumpay niyang pagsagupa.

Ang import na si Marcus Blakely ay nagkamit ng 19 points, kabilang ditto ang pag-agaw niya ng bola kay Millsap para sa 2 points at isa pang basket na naging dahilan para makalamang sila sa iskor na 82-77 habang may isang minuto pa sa laro.

Mistulang hindi naapektuhan ng pressure ang Mixers sa Game 7, walong manlalaro lang nila ang nasa linyada nang huling nakipagtunggali sila sa Rain or Shine noong nakaraang taon ng torneo.

Samantala, kabaligtaran naman para sa Boosters, na napressure at nabigong maipamalas ang kanilang galing sa pagtatapos ng Governors’ Cup.

Si Millsap ay nagkamit ng 25 points at 11 boards para sa petron, subalit hindi niya naibigay ang galing na ipinakita niya sa Game 6. Si June Mar Fajardo, na nagpakita ng matinding laro ngayong finals, ay nagdagdag ng 20 points.

Petron magpipilit makatabla korona puntirya ng San Mig Coffee

...

...

Download as:   txt (5.5 Kb)   pdf (121.9 Kb)   docx (31.7 Kb)  
Continue for 3 more pages »
Only available on OtherPapers.com