The Review Is About Ploning - 2008 Philippine Romantic Family Drama Film
Essay by people • July 1, 2011 • Book/Movie Report • 658 Words (3 Pages) • 3,007 Views
Essay Preview: The Review Is About Ploning - 2008 Philippine Romantic Family Drama Film
The review is about Ploning.
Ploning is a 2008 Philippine romantic family drama film based on a popular Cuyonon song of the same title about a girl's hidden feelings in a man's point of view. It starred veteran actress Judy Ann Santos and was directed by Dante Nico Garcia, who won a directing award in Singapore through the film. The filming was done in the municipality of Cuyo in Palawan, which is, incidentally, the director's hometown. The film is the official entry of the Philippines for Best Foreign Language Film of the 81st Academy Awards.
http://www.ploningthemovie.com/features.html
"Ang lahat ay may dahilan." -Ploning
Ang Ploning ay tungkol sa isang babaeng mahiwaga. Si Ploning ay mabuti ngunit tahimik lang. Hindi niya gawing umiyak kahit na sa burol pa ng kaniyang ama. Kilala siya ng lahat sa Cuyo. Kinagawian nila ng kaniyang mga kasambahay na ihanda ang mga kasoy tuwing gabi at lutuin ito kinabukasan kasama ng pulot. Laging naghahanda si Ploning ng lychee tuwing may okasyon. Lubos niyang pinahahalagan si Digo, batang Cuyonon na itinuring na niyang anak. Isang araw, may nurse na mula sa Maynila ang dumating sa kanilang lugar, Celeste ang kaniyang pangalan. Si Celeste ay maganda, madaldal, masaya at malakas ang loob. Noong una, lubha siyang nagugulumihanan kay Ploning, sa galaw, salita, hinhin at katahimikan nito, ngunit nang nakitira na siya sa tahanan nina Ploning, doon niya naungkat ang dahilan ng mga bagay na nagbibigay hiwaga kay Ploning. Namangha siya nang lubos sa tibay at lakas ng loob ni Ploning.
Hindi lang si Celeste (Celing) ang namangha sa katauhan ni Ploning, maging ako na napilitan lamang manood ng pelikulang ito ay nasiyahan nang lubos nang makilala ko si Ploning. Mahilig ako sa mga pelikuha ngunit hindi masyado sa pelikulang Pilipino dahil karamihan sa mga pelikula ngayon ay tipikal na. Natatangi ang Ploning para sa akin. Maganda ang pagkakagawa, baguhan man ang nagsulat at direktor, pinukaw niya ang puso ng bawat manonood. Bukod sa maganda ang lugar kung saan ginawa ang pelikula, naramdaman ko ang Cuyo sa pamamagitan nang maganda at mahusay na kuha ng bawat pangyayari. Mahusay rin ang mga aktor dahil naipahayag niya ng maayos ang damdamin, saloobin at kilos ng bawat tauhan. Bagamat hindi taga Cuyo ang mga panggunahing aktor, naging maganda ang pagbigkas nila ng mga linya sa Cuyonon. Naibigan ko kung paano nagbabalik nakaraan ang mga tauhan.
Ang Ploning ay kwento ng buhay, pag-ibig, pag-asa, pananalig, pagmamahal at pagpapahalaga.
Naging maganda ang pag-uusap ng mga babae isang gabi na inihahanda nila ang mga kasoy. Tila sinusubukan ni Celeste si Ploning dahil ang akala niya mahina ito. Napag-usapan nila ang pag-ibig. Si Celeste, bilang tubong Maynila, hindi naniniwala sa "pag-ibig".
...
...