OtherPapers.com - Other Term Papers and Free Essays
Search

Aralin 27: Ang Patayutay Na Pagpapahayag

Essay by   •  October 9, 2011  •  Essay  •  547 Words (3 Pages)  •  4,456 Views

Essay Preview: Aralin 27: Ang Patayutay Na Pagpapahayag

Report this essay
Page 1 of 3

ARALIN 27: ANG PATAYUTAY NA PAGPAPAHAYAG

KATUTURAN NG PATAYUTAY NA PAGPAPAHAYAG. Ang patayutyay na pagpapahayag ay tinatawag ding patalinhagang pagpapahayag dahil ang kahulugan nito ay malalim, di tuwiran, at sa pagpapahayag nito ay lumilihis sa karaniwang paraan ng pagbuo ng pangugusap o nagpapaganda at nagagawang kasiya-siya sa pahayag. Ang epekto ng paglihis sa karaniwang paraan ng pagpapahayag ay lalong nagpapaganda at nagagawang kasiya-siya ang pahayag. Ang pag-unawa sa mga akdang ginagamitan ng tayutay ay madaling gawin para sa mga mambabasang may karunungansa mga tayutay.

MGA URI NG PATAYUTAY NA PAGPAPAHAYAG. Maraming uri ng patayutay na pagpapahayag ang pinagpipiliang gamitin ng mga manunulat lalo na ng mga makata. Si Fernando Monleon ay nagtala ng 60 uri ng patayutay na pagpapahayag sa kanyang aklat na "Ang Hiyas". Ang mga sumusunod na patayutayna pagpapahayag ay ilan lamang sa mga uri nito.

1. Pagtutulad (Simili). Ito ay pagpapahayag ng pagiging magkapareho ng dalawang bagay, tao, pook, pangyayari, sa pamamagitan ng mga salita at pariralang: tulad ng/ sa, paraang, animo, kawangis ng, atbp.

HALIMBAWA.

a. Ang mga luha ng dalaga ay paraang butil ng perlas.

b. Ang kanyang ngiti ay kawangis ng bukangliwayway.

2. Pagwawangis (Metaphor). Ito ay direktang pagtutulad ng dalawang bagay, tao, pook, pangyayari kaya hindi na kailangang gamitan ng mga salita at pariralang: tulad ng/ sa, paraang, animo, kawangis ng, atbp.

HALIMBAWA:

a. Ang ama ni David ay tupa sa bait.

b. Bukas na aklat ang buhay niya sa aming nayon.

3. Pagbibigay- katauahan (Personification). Sa pamamagitan ng tayutay na ito, ang mga katangian, talino at gawi ng tao ay naisasalin sa mga karaniwang bagay. Naipapakita ito sa pamamagitan ng pangalan at pandiwa.

HALIMBAWA.

a. Halos sumabog ang kanyang baga nang maabot niya ang pusod ng dagat,

b. Ang buwan ay nagmamagandang gabi sa lahat.

4. Paglilipat- wika. Ang paglilipat sa karaniwang bagay ng mga katangian na sadyang pantao ay tinatawag na paglikipat-wika. Pang-uri ang ginagamit sa pagsasagawa nito.

HALIMBAWA.

a. Tinatanaw niya ang palalong buwan.

b. Hinahanap-hanap niya ang malambing na tinig ng kanyang anak na yumao.

5. Pagpapalit- diwa. (Metonimya). Sa pamamagitan ng sagisag pata sa sinasagisag o sisidlan para sa isinisilid ay nangyayari ang pagpapalit ng ngalan o katawagan sa bagay na tinutukoy.

HALIMBAWA.

a. Nakasampung basket siya ng napitas

...

...

Download as:   txt (3.8 Kb)   pdf (69.7 Kb)   docx (10.3 Kb)  
Continue for 2 more pages »
Only available on OtherPapers.com