Mga Sanhi Ng Paninilaw Ng Ngipin at Ang Mga Implikasyon Nito Sa Sosyal, Emosyonal, at Pisikal Na Aspeto Ng Buhay Ng Mga Piling Estudyante Sa Ceu Makati Gp
Essay by Camille Millora • December 11, 2015 • Thesis • 3,637 Words (15 Pages) • 2,647 Views
Essay Preview: Mga Sanhi Ng Paninilaw Ng Ngipin at Ang Mga Implikasyon Nito Sa Sosyal, Emosyonal, at Pisikal Na Aspeto Ng Buhay Ng Mga Piling Estudyante Sa Ceu Makati Gp
MGA SANHI NG PANINILAW NG NGIPIN AT ANG MGA IMPLIKASYON NITO SA SOSYAL, EMOSYONAL, AT PISIKAL NA ASPETO NG BUHAY
NG MGA PILING ESTUDYANTE SA CEU MAKATI GP
[pic 1]
Isang Panukalang Pangkolehiyong Tesis na Ihaharap sa
Departamento ng Dentistri
Pamantasang Centro Escolar – Makati
[pic 2]
Bilang Bahagi ng mga Kahilingan para sa Asignaturang
Filipino 12
[pic 3]
nina
Valentina Ives C. Asayas
Ma. Roncel Joy C. Camaclang
*Mary Jo Beatrice D. Lopez
Denise Katherine R. Maninang
Anna Katrina L. Marin
Camille Angelica E. Millora
Gelcie Aira A. Namo
January 6, 2015
PAGTITIBAY
Bilang bahagi ng mga dapat ipasa para sa Asignaturang Filipino 12, ang Pangkolehiyong Tesis na pinamagatang "MGA SANHI NG PANINILAW NG NGIPIN AG ANG MGA IMPLIKASYON NITO SA SOSYAL, EMOSYONAL, AT PISIKAL NA ASPETO NG BUHAY NG MGA PILING ESTUDYANTE SA CEU MAKATI GP" ay naisagawa at natapos nang maayos sa takdang oras ng mga mananaliksik. Ito ay pinatibay ni Bb. Tagumpay Esguerra, na aming mahal na Propesor sa Filipino 12.
Ito ay aprubado ng guro sa Filipino 12 na may gradong _____
MGA MANANALIKSIK:
Valentina Ives C. Asayas
Ma. Roncel Joy C. Camaclang
Mary Jo Beatrice D. Lopez
Denise Katherine R. Maninang
Anna Katrina L. Marin
Camille Angelica Millora
Gelcie Aira A. Namo
Pinagtitibay ni: Bb. Tagumapay A. Esguerra
Propesor, Filipino 12
PAGHAHANDOG
Ang mga mananaliksik ay buong pusong inihahandog ang pag-aaral na ito sa Poong Maykapal na nagbigay ng lakas sa bawat mananaliksik, sa bawat dinig ng kanilang mga dasal upang matapos ang pananaliksik na ito;
Sa pamilya nina Valentina Ives C. Asayas, Ma. Roncel Joy C. Camaclang, Mary Jo Beatrice D. Lopez, Denise Katherine R. Maninang, Anna Katrina L. Marin, Camille Angelica Millora, Gelcie Aira A. Namo sa walang sawang pagbibigay ng suporta sa bawat pagsubok na hinarap;
Sa propesor nila na si Bb. Tagumpay Esguerra sa paggabay sa kanila sa bawat kamalian na nagawa nila habnag gumawa ng tesis; at
Sa mga susunod na henerasyon na nais ipagpatuloy o gumawa ng ganitong klaseng pag-aaral. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon at maging gabay nila sa pagbuo ng kanilang pananaliksik.
Mga Mananaliksik:
V.I.C.A.
M.R.J.C.C.
M.J.B.D.L.
D.K.R.M.
A.K.L.M.
C.A.E.M.
G.A.A.N.
PASASALAMAT
Ang mga mananaliksik ay taos pusong nagpapasalamat sa mga taong naging parte nito at tumulong hanggang sa huli upang maging matagumpay ang pananaliksik na ito.
Una na rito ay ang Poong Maykapal na siyang naging inspirasyon nila para maipagpatuloy ito sa kabila ng mga problemang aming hinarap. Siya ang nagbigay lakas at sapat na kaalaman para matapos itong pananaliksik na ito at hanggang sa huli ay hindi sila pinabayaan;
Si Bb. Tagumpay Esguerra, na walang sawang gumabay at nagturo sa kanila ng mga proseso sa pagbuo nito. Dahil sa kanyang pasensya at suporta, nakabuo sila ng isang pananaliksik na para sa mga susunod na mga mag-aaral; at
Sa kanila mga mahal na pamilya na umunawa at umintindi sa amin. Walang sawa silang sinuportahan at pinagkatiwalaan na mapagtatagumpayan nila ang pananaliksik na ito.
Salamat.
Mga Mananaliksik
V.I.C.A.
M.R.J.C.C.
M.J.B.D.L.
D.K.R.M.
A.K.L.M.
C.A.E.M.
G.A.A.N
Kabanata 1
ANG SULIRANIN AT ANG SALIGAN NITO
Ang kabanatang ito ay binubuo ng iba’t ibang bahagi tulad ng Panimula, Kaligirang Pangkasaysayan, Lokasyon ng Pag-aaral, Kahalagahan ng Pag-aaral, Haypotesis, Batayang Konseptuwal, Paradaym, Paglalahad ng Suliranin, Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral.
Panimula
Walang mas mabubuti pa sa pagkakaroon ng mapuputing ngipin na nagniningning. Ang pagkakaroon ng maputi na ngipin ay nagpapabuti ng unang impresyon ng tao sa iba. Kaya ang maputing ngipin ay hindi dapat maliitin. (NA.2014, Disyembre). The radiant and healthy smiles you want your patients to have. 52)
Ang paninilaw ng ngipin ay isa rin sa mga karaniwang oral disease na nararanasan ng mga estudyante. Marami sa mga estudyande ang hindi nais na magkaroon ng madilaw na ngipin dahil sa pakiramdam nila nawawalan sila ng kumpiyansa sa kanilang sarili. Sa kabilang banda maaari din na makaapekto sa pisikal, emosyonal, at sosyal na aspeto ng buhay ng mga estudyante ang pagkakaroon ng madilaw ng ngipin.
Mayroong dalawang klase ng paninilaw ng ngipin. Ito ay ang Extrinsic discoloration at Intrinsic discoloration. Ang Extrinsic discoloration ay nagaganap sa panlabas na patong na tawag ay “enamel”. Ang enamel ay magkakaroon ng puti at kayumanggi na kulay. At ang Intrinsic discoloration ay nagaganap sa panloob na patong na tawag ay “dentin”. Ang dentin ay nagpapakita ng maitim na dilaw na kulay. (http://www.yourdentistryguide.com/tooth-discoloration/)
Ang mga halimbawa ng extrinsic stains ay tulad ng mantsa na nagmumula sa ating nakasanayang diyeta o mga gawi, tulad ng tabacco, tsaa, at kape. Ang mga ito ay nagiiwan ng dilaw na mantas sa ating mga ngipin. Intrinsic stains ay may tetracycline stains, dental fluorosis at nonvital endodontically treated teeth. Minsan, ang kulay ng ngipin ay natural na dilaw o minsan naman ay kulay-abo , at ang mga pasyente na nakakaranas ng ganitong problema ay maaaring dumaan sa " bleaching process ". (Phinney, D.,Halstead, J (2007). Dental Assisting: A Comprehensive Approach. Thomson Delmar Learning)
...
...