Mga Kakaibang Ritwal (filipino)
Essay by people • December 14, 2010 • Essay • 582 Words (3 Pages) • 3,246 Views
Mga Kakaibang Ritwal
Bawat kultura ay may naiibang ritwal na maaaring kataka-taka o kakila-kilabot para sa mga dayuhan. May mga ritwal din na delikado sa kalusugan ayon sa modernong siyensiya ngunit hindi maipatigil dahil ang mga ito ay nakaugat na sa tradisyon at kultura. Tulad na lamang ng dalawang tradisyon na tatalakayin ko, ang Baby Tossing Ceremony sa India at ang Bullet Ant Ritual sa Amazon.
Ang Baby Tossing Ceremony ay isang seremonya kung saan ang sanggol ay inihahagis mula sa tuktok ng 30 foot mosque at sinasalo ng tela sa ibaba upang gawing malakas at matapang ang sanggol sa kanyang paglaki. Ayon sa mga expert, ang nasabing ritual ay lubhang mapanganib sa mga sanggol dahil maaaring mauna ang ulo sa pagbagsak at mabali ang leeg ng sanggol. Ito ay isa lamang sa mga disgrasyang maaaring mangyari sa ritwal na ito. Noong Desyembre ng taong 2009, tinangka ng mga local na autoridad na pigilin ang ritwal na ito. Ang Karnataka Commission for the Protection of Child Rights ay tinangka ring pigilan ang nasabing seremonya ngunit ang mga residente ay iginigiit na wala pang nasasaktan na sanggol sa seremonya at ito ay malaking parte ng kanilang kultura kaya't hanggang ngayon ay tuloy parin ang paghahagis ng mga sanggol mula sa tuktok ng templo.
Ang Bullet Ant Ritual naman ay isang seremonya na dapat pagdaanan ng mga kalalakihan sa Amazon sa Brazil bilang simbulo ng kanilang pagkalalaki at kahustuhang-gulang. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagsusuot ng hand gloves na gawa sa dahon. Ang hand gloves ay pinuputakte ng mga Bullet Ants o mga malalaking langgam na may mga matutulis na ngipin o pinchers tulad ng pansipit ng alimango ngunit ang lason nito ay nanggagaling sa matulis na stinger o panusok nito sa may puwitan tulad ng sa bubuyog. Ang hand gloves ay kanilang isusuot ng dalawampu't- limang beses na tumatagal ng tig tatalumpung minuto. Ang mga tunay na matatapang ay tinatapos ito sa loob ng isang araw ngunit ito ay maaaring tumagal ng taon bago matapos. Ang sakit ng ritwal na ito ang magbibigay kaganapan sa pagkalalaki ng isang binata dahil pag nalampasan niya ito, wala nang makasasakit pa sa kanya.
Ang Bullet Ant ay tinawag na ganoon dahil ayon sa mga nakagat nito, ang sakit ng kagat ay inihalintulad sa sakit ng pagkakabaril. Ang mga langgam na ito ay ang pinakamalaki sa mundo at may pinakamasakit na kagat na nangunguna sa ranggo sa Schmidt Sting Index o tatlumpung beses na mas masakit kesa sa bee sting. Ang isang kagat nito ay nagdudulot ng matinding sakit na sinasamahan ng panginginig at pamamaga. Ang sakit ay unti-unting mawawala pagkatapos lamang ng dalawampu't apat na oras. Ayon sa mga experto, ang kagat ng Bullet Ant ay nagtataglay ng venom o lason na nakapagpapalubha ng sakit na nararamdaman dahil hinahadlangan nito ang reaksyon ng katawan na mamanhid kapag nasasaktan. Ang ritwal na ito ay delikado sapagkat ang matinding sakit na dulot ng kagat ay
...
...