OtherPapers.com - Other Term Papers and Free Essays
Search

Isang Oras Ng Kasiyahan, Siyam Na Buwan Ng Paghihirap (filipino)

Essay by   •  June 30, 2011  •  Essay  •  1,672 Words (7 Pages)  •  2,618 Views

Essay Preview: Isang Oras Ng Kasiyahan, Siyam Na Buwan Ng Paghihirap (filipino)

Report this essay
Page 1 of 7

Isang Oras ng Kasiyahan, Siyam na Buwan ng Paghihirap at Dalawang Nasirang Buhay

Patrick Jayver Ds. Vicente HF-16

Dumidilim ang paningin ni Maria. Hilong-hilo siya. Parang gusto na niyang himatayin sa sobrang pagkahilo. Tinawag ng guro ang kanyang pansin.

"Maria, ayos lang ba ang iyong pakiramdam?" nag-aalalang tanong ng professor na nagtuturo

"Ma'am, maari po ba akong tumungo sa klinika? Medyo nahihilo po ako." hinang-hinang paalam ni Maria.

"Gusto mo ba pasamahan kita sa block president ng klase? O kaya mo ng mag-isa pumunta?"

"Ma'am kaya ko pa po."

Pinayagan siyang lumabas. Maririnig mo ang iba't ibang reaksyon mula sa kanyang mga kaklase. May mga nag-aalala kasi hindi naman karaniwang nahihilo si Maria sa klase. May mga nangangantiyaw naman na baka nagdadalang tao na si Maria kasi nataong nagtuturo tungkol sa panganib na maaring idulot ng Premarital Sex. Ngunit hindi na lamang pinansin ni Maria ang mga reaksyong iyon. Hihilo-hilo siyang naglakad na tila isang hipan na lamang ng hangin ang kailangan para matumba siya. Habang naglalakad siya, naramdaman niyang nasusuka siya. Dali-dali siyang tumungo sa malapit na CR, yumuko sa lababo at sumuka ng pagkarami-rami. Habang inilalabas niya ang kanyang mga nakain, lumuluha siya ng lumuluha. Matapos ay pinawi niya ang kanyang mga luha at humarap sa salamin. Nakita niya ang kanyang sarili. Nagpapawis ng butil-buti ang kanyang katawan. Ngarag na ngarag ang hitsura na tila ba nagehersisyo ng sampung oras. Unti- unti muling pumatak ang maiinit niyang luha habang pinaniniwala ang sariling, "Hindi ito totoo!"

Malalim na ang gabi. Tulog na ang buong siyudad. Halos wala ng tao sa kalsada ng Mahinhin. Pero tila may liwanag pang naglalakad sa madilim na parang ng Mahinhin. Dalawang pobreng magkasintahang naghaharutan at nag-uusap ng matatamis ang bumuhay sa patay na gabi. Galing sa isang kasiyahan sina Jose at Maria. Kaarawan kasi ng isa ka-block ni Maria. Buong gabi silang nagkantahan at nag-inuman. Palagi nila itong ginagawang magkakaklase tuwing may selebrasyon ngunit ngayong gabi lang sila inabot ng siyam-siyam. At hindi pa tapos ang selebrasyon nilang dalawa.

"Alam mo Maria, wiwi ka ba?" biglang hirit ni Jose kay Maria habang nakatitig ito sa mga mata ng babae.

"Kadiri ka Jose, pero bakit?" nangingiting tanong ni Maria.

"Kinikilig kasi ako tuwing lumalabas ka eh."

"Ikaw talaga Jose, ang sweet sweet mo." ani ni Maria habang pinipisil ang pisngi ni Jose.

" Maria, may ibibigay ako sa iyo kaya lang wala ditto eh. Nasa condo ko. Sama ka na lang sa akin." yaya ni Jose.

"O sige, boring naman doon sa bahay condo ko. Mag-isa lang ako."

Tumungo na sila sa condo unit ni Jose. Magkasintahan sina Jose at Maria. Hindi lihim ito sa kanilang klase ngunit sa kanilang mga magulang, lihim itong pinakakatago nila. Parehas sina Jose at Mariang naninirahan mag-isa sa kanilang mga condo unit. Isang buwan pa lang silang magkasintahan pero sa tuwing makikita mo sila'y nilalanggam sila sa sobrang cheesy.

"Dito ka muna sa labas ng pinto." giit ni Jose.

"Ano naman itong pakulu mo, Jose. Pero dapat mamangha ako sa makikita ko ha."

"Sigurado iyan Maria. Hindi ka lang mamamangha sa makikita mo. Masasarapan ka pa sa mararamdaman mo."

Alas- dose na ng hatinggabi noon. Naghudyat na si Jose na pumasok si Maria. Pagkapasok ni Maria, bumukas ang isang tarangkahan papuntang langit. Pumasok na siya. Bumukang parang kuwago ang kanyang mga mata. Punung puno ng mga pulang rosas ang buong silid. May pumpon pa ng mga rosas na tila gumagawa ng daanan patungo doon sa pula at malambot na kamang puno rin ng pulang rosas. Lumakad siya at amoy na amoy niya ang halimuyak ng mga rose scented candles na tanging umiilaw sa kwarto. Nilapitan at binuksan niya ang pulang kurtina at namanghang nasilayan ang bilog na buwan na nakatitig sa kanya. Mababakas sa kanyang mukha ang matinding pagkamangha. Hindi pa natatapos ang hatinggabing iyon. Naaninag niya mula sa likod ang isang pigura. Si Jose pala iyon. Hindi lang basta basta si Jose. Hinarap ni Maria si Jose - si Jose na akmang hitsurang diyos ng Olympus. Niyakap nito si Maria. Naramdaman ni Maria ang matinding init ng katawan at maalab na paninibugho ng puso ni Jose. Unti-unting hinalikan ni Jose si Maria. Wala ng ginawa ang dalaga kung hindi magpadala sa matinding bugso ng kanyang damdamin. Bumagsak ang magkasintahan sa kama at ang buong isang oras ay nag-ungulang parang isang lobo.

Nakasulat sa text message: Jose, pwede ba taung magkta - Maria.

Nakauwi na si Maria mula sa paaralan. Mapapansin pa rin ang pagkapraning ni Maria. Tuliro at tahimik siya kapag kinakausap. Bumubulong naman kapag walang kausap. Isang araw, nakatanggap si Maria ng text message mula sa isang hindi kilalang numero.

Nakasulat sa text message: Kaibigan ito ni Jose, wala na siya sa Pilipinas. Nasa abroad na siya.

Nagunaw ang mundo ni Maria. Tinungo niya ang dating tinutuluyang condo ni Jose. Wala na nga ang kasintahan doon. Noong nakaraang linggo lang daw lumipat sa kung saan. Balisang balisa si Maria.

"Teka lang. Hindi pa naman ako

...

...

Download as:   txt (10.3 Kb)   pdf (124.4 Kb)   docx (13.3 Kb)  
Continue for 6 more pages »
Only available on OtherPapers.com