Ina (filipino)
Essay by people • August 16, 2011 • Essay • 782 Words (4 Pages) • 2,354 Views
Ina.. isang simpleng salitang nabuo mula sa tatlong titik, ngunit nagtataglay ng malalim na kahulugan. "Ilaw ng tahanan", pinakakilalang bansag sa kanila, ilaw sapagka't nagsisilbi raw silang tanglaw sa isang tahanan upang gabayan ang kanyang asawa't anak, kupkupin ang pamilya at punuin ng pagmamahal ang nasabing tahanan. INA.. kilala bilang tagaluto, tagalaba, taga-badyet ng pera, tagalinis ng bahay, taga-aruga ng anak, nag-aasikaso sa maraming bagay sa isang pamilya. Sa lahat ng mga bagay na ito, kilala ba talaga natin ang tunay na siya? Kilala ba natin kung sino at ano ang halaga ng tinatawag nating ina?
Isa siya sa dahil kung kaya't nadito tayo ngayon sa mundo, ninanamnam ang sarap ng buhay na ating tinatamo. Mula pagkasanggol tayo'y kaniyang inaruga, kinandili ng gatas na mula sa kanilang sariling katawan. Inilagay sa bingit ng kamatayan ang kaniyang upang maisilang ang kaniyang sanggol, na inalagaan sa loob ng siyam na buwan. Napakaraming beses ng dumanas ng pagod at puyat, matiyak lamang ang kalusugan ng kaniyang anak. INA.. na kasiyahan na ang makitang walang sakit ang kaniyang anak, ang makita itong masaya, at payapang natutulog sa kaniyang hinihigaang kuna. Buong pagmamahal na inaruga ang anak at ginabayan sa kaniyang paglaki, hanggang sa magkaroon ng ito isip at kamalayan sa mga nangyayari sa kaniyang paligid. Isang ANAK, mula sa kanyang INA.. na siyang nakapagdudulot ng kasiyahan sa kaniya.. at may kapangyarihan ring bigyan ng pasakit at hirap ng loob ang pinagmulang INA.
Pagkagising sa umaga, nakahanda na lahat ng iyong kailangan. Plantsado na rin ang iyong unipormeng gagamitin sa pagpasok sa eskuwela. Nakahanda na ang towel at mainit na tubig para sa iyong pampaligo. Nakahanda na rin ang mailinis na medyas at bagong "shine" na sapatos na iyong gagamitin . Inang nagtitiyagang gumising ng maaga upang maipaghanda ka ng almusal at baon sa eskuwela. INA na nagpipilit sa iyo na kumain ng almusal pero kadalasan ay sinasagot mo nang "'Wag na, maleleyt na ako sa skul!", pero pipilitin a pa rin niya. Tapos iyo namang kaiinisan saka ka pa bubulong sa iyong sarili "Ang kulit, parang 'di makaintindi!". Hindi man lang natin naisip kung ano ang kaniyang mararamdaman, dahil para pala sa isang INA.. kasiyahan na niya ang makitang kinakain ng kaniyang anak ang pagkaing kaniyang inihanda, masasabing mababaw, pero totoo. INA, na hanggang sa sakayan ng dyip sa may kanto ay nagtitiyagang ihatid ka kahit na ikaw ay nasa kolehiyo na, para lang matiyak na maayos kang makakarating sa iyong eskuwelahan kalakip ang panalangin sa DIOS na ingatan ang kaniyang mahal na anak. Siya na kapag gabi na ay nagtitiyagang mag-antay sa babaan ng dyip sa inyong lugar para masigurong makauwi ka ng ligtas sa inyong tahanan. Nguni't ano ang madalas mong ipasalubong sa kanya? Nakasimangot na mukha dahil sumama ang loob mo sa klasmeyt mo, dili naman kaya'y dahil sa hindi mo gusto ang
...
...