OtherPapers.com - Other Term Papers and Free Essays
Search

Israelie Palestinian Conflict (filipino)

Essay by   •  July 30, 2011  •  Essay  •  476 Words (2 Pages)  •  2,767 Views

Essay Preview: Israelie Palestinian Conflict (filipino)

Report this essay
Page 1 of 2

Marami ang nababahala kung paano ba mareresolbahan ang digmaang ito sa pagitan ng Israel at Palestine. Marami na rin ang nagbigay ng kanya-kanyang suhestiyon hinggil sa problemang ito. Ang digmaang ito ay ang isa sa pinakamahabang kontrahan na maging hanggang sa kasalukuyan ay nananatili pa ding magkaaway. Maraming mga tao ang naniniwala na kapag nalutas ang kontrahan sa pagitan ng dalawang estadong ito, maaaring ito na ang maging susi sa paglutas ng iba't ibang mga kontrahan sa buong Gitnang Silangan.

Ayon kay Fred E. Foldvary, isang Senior Editor, ang pangunahing prinsipyo ng hustisya ay ang pagkakapantay pantay ng bawat isa. Ayon sa kanya, ang dalawang panig ay dapat na magkaroon ng pantay na pagkakahati sa lupang kanilang gustong sakupin na parehas. Isa pang suhestiyon ni Foldvary ay ang pagpapaupa ng lupa. Ang suhestiyon niyang ito ay nakakaintriga sapagkat wala namang nagmamay-ari ng lupang paguupahan. Ayon sa kanya, ang pagbabayaran ng perang malilikom sa pagpapaupa ay dapat nang mapapunta sa kompederasyon na kung saan ay may layong proteksyunan ng kapaligiran at kayang pangalagaan ang teritoryong kinalalagyan.

Ang mga suhestiyong ito ni Foldvary, ay nabigyang pansin o tinanggap ni Martin Buber, isang pilosopong may paniniwala sa relihiyon. Ang solusyong binigay ni Buber ay hindi malayo sa solusyong ibinigay ni Foldvary. Bagamat, may pinagiba pa din ang kanilang mga binitawang pahayag. Ayon kay Buber, dapat nang magkaroon ng sapat at tamang pamamahagi ng lupa sa dalawang panig at pagbabalangkas ng maliliit na komunidad na kung saan maaaring pagmulan ng isang malaking bayan na maaaring pagisahin ang dalawang nagaalitang bansa. Maganda ang rekomendasyon ni Buber, ngunit hindi niya alam kung paano niya ito dadalhin sa mga Hudyo at mga tiga-Israel na hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring katapusan ang kanilang away.

Matatandaan na ang UN o United Nations ay ang kilalang nagbigay ng malawak na rekomendasyon para sa ikaaayos ng digmaang ito. Isa sa unang napagpasiyahan ng UN ay ang pagbibigay sa mga Jews ng lupain kung saan sila maaaring mamuhay ng matahimik. Mariing kinundina ito ng mga Arab Nations na nakapaligid sa Israel. Ang hakbang na ito ang nagbigay buhay sa mga kilusang terorismo na hangad ubusin ang mga Kano at mga kasamahan nito, na nagpasimuno sa UN. Ang mga extimists sa kanila ay nagsagawa ng terrorist attacks laban sa mga Hudyo. Sinasaktan o di kaya pinapatay nila ang mga sibilyan para matakot ang mga Hudyo at lisanin ng mga ito ang Israel upang tuluyan ng mabura ito sa mapa. Ang mga pinasang kilusan ng UN ay walang naging kontribusyon sa digmaan. Lahat ng ito ay hindi nabigyang bisa.

Hindi pa makikita ang katapusan ng gulo sa Gitnang-Silangan. Ang magkabilang panig ay naghihingian ng mga bagay na ayaw naman pakawalan ng isa. Ang tanging makalulutas lamang suliraning ito ay hindi nakasalalay sa UN, kundi sa mga bumubuo nito, dahil sila ang pinagmumulan ng kapangyarihan

...

...

Download as:   txt (2.9 Kb)   pdf (55.5 Kb)   docx (9.5 Kb)  
Continue for 1 more page »
Only available on OtherPapers.com