Kuna, Make-Up at Mirage En El Salvador (filipino)
Essay by people • August 10, 2011 • Essay • 410 Words (2 Pages) • 2,034 Views
I.
Kuna ang imaheng naglalarawan sa kalagayan ng mga inang nakulong dahil sa pampulitikang dahilan. Inilahad ng pelikula sa parehong pamagat ang hindi patas na kalagayan sa kulungan ng mga ina at ng kanilang mga anak. Sa maikling pelikulang ito, ipinadama ng hele ng ina sa kanyang anak ang kanilang kalagayan sa loob ng kulungan. Daan-daang ina ang nakakulong ng walang sapat ng dahilan taon-taon, at dahil ditto nagbabago rin ang buhay ng kanilang mga anak.
Ang payak ngunit makabuluhang paggamit ng awit at imahe ng kuna sa loob ng rehas ang sumisiguro na mauunawaan ng manonood ang pelikula. Sa ganitong paraaan, nagiging epektibo ang paghahatid ng damdamin sa ng isang ina na napilitang palakihin ang kanyang sanggol sa loob ng kulungan.
II.
Sa lipunang makaama, dumarami ang bilang ng mga babaeng inaabuso ng kanilang asawa, ama, kapatid o sinumang lalaki sa kanilang pamilya. Sa pelikulang Make-up, inilarawan ang kalagayan ng mga babae sa lipunang hindi pantay ang pagtingin sa kasarian. Ang imahe ng babae sa harap ng salamin habang nagpapahid ng make-up upang matakpan ang kanyang mga pasa at peklat ay naglalarawan ng araw-araw na pasakit na kailangang harapin ng bawat babae. Sa gitna ng pang-aabusong kanyang tinatanggap, kailangan pa rin niyang ipakita sa lipunan na siya ay masaya at kuntento. Kailangan niyang takpan ang mga sugat na tinatamo upang mapangalagaan ang pangalan niya at ng kanyang asawa, ama o kapatid.
Ang pelikulang ito ang humahamon sa lipunang nagyayayabang na siya ay patungo na sa kaisipang liberal ngunit takot na bitawan ang kanyang mga makalumang gawi.
III.
Ang tao ay bahagi ng kalikasan. Sa kalikasan inaasa ng tao ang kanyang mga pangangailangan. Sa kalikasan nabubuo ang kamalayan ng isang lipunan. Ipinakita ng Mirage en El Doradoang mahalagang ugnayan ng tao ay ng kanyang paligid. Ang isang bayan sa Chile at binubulabog ngayon ng suliraning hated ng mga banyagan kumpanya. Binabalak ng kumpanyang Barrick Gold na minahin ang ginto na nasa bulubundukin ng Andes. Mahigpit itong tinututulan ng mga mamamayan na ang pangunahing hanap buhay ay pagsasaka. Batid nila na sa gitna ng kasaganaang ipinapangako ng banyagang kumpanya ay magiging kapalit nito ang kapaligiran at ang komunidad na daang taon nilang inalagaan.
Ginamit ang dokumentarista ang image ng bundok at mga ilog sa Chile upang ipakita ang kayamanang maaaring mawala kung sakaling ito'y pabayaan. Nakakalungkot isipin na kayang sumira ng buhay at kalikasan ang iilan para lamang magkamal ng salapi. Ipinapakita ng pelikula ang nawawalang ugnayan ng tao at kalikasan, pati na ang negatibong dulot ng makabagong lipunan.
...
...